Saturday, November 5, 2011

November 5, 2011

Ang gulo din kaya ng utak ko, anong akala mo? Nakatulog akong suot ang eyeglasses kong walang kwenta noong nakaraan., Noong nakaraang gabi naman, alas tres na ako natulog. Anong meron? May ginawa na naman ba akong masama? Wala naman. Tingin ko.

Pero sa two hours na tulog ko, naalala ko si Paul. Siya iyong tipo ng taong gugustuhin mong laging makasama dahil sobrang bait niya. Kaya nga noong on the rocks ang relationship nila ng girlfriend niya, ako talaga ay nananalangin na sana he could see some sense. Tingin ko kasi he does not deserve to be treated like crap. He deserve someone better. hay naku, kung sinabi lang niyang gusto niyang maghiganti, tutulungan ko talaga siya. Not that I feel something for him, but he's my friend kasi eh. kaibigan ang pinakamahalaga sa akin. Ano mang masakit na salita ang sabihin nila sa kanya, masakit din para sa akin.

Sabi ko may boyfriend na ako. But I really dont have any. Ayoko rin pati. Ano ba ang silbi ng boyfriend sa mundo? Kaya ko namang alagaan ang sarili ko. So there's really no point why I should have one.  Pero talaga namang wagas ang reaksiyon ng mga pinagsabihan ko. Walang naniwala ni isa! Akalain mo iyon?

Usapan namin ni Paul:
Paul: Tsk. Akala ko tuloy meron na talaga."
Ako: deh. may hinihintay kasi ako.
Paul: Hahaha. Uuuuy. Si Billy yan no? Amin naaa.
Ako: Sows! may mahihintay ba ako doon?
Paul: Ewan. Pero siya nga?
Ako: Deh. Ikaw.
Paul: Haha. Ulul. Ako daw e no.
Ako: Ikaw naman talaga.
Paul: Weh. Ulul. Hahaha.
Ako: deh. tinatry ko lang kung mapapatawa kita.

Hay! kaya ayaw na ayaw kong nagsasabi ng totoo eh. Walang naniniwala sa akin! Pero mahal kita. :] Naks! Hindi siya naniwala. Alam ko naman eh. Mas naloloka ako sa mga tanong nila.
May gusto ka ba kay Paul? Papayag ka daw bang maging girlfriend ni Gian? Nakamove on ka na ba? Anong say mo sa relasyong crush mo at ex ng ex crush mo? Mahal mo pa rin ba si kwan, ano siya ngayon? heeee... ewan ko, Ang sakit ng ulo ko!

pero wala akong gusto kay Paul, hindi ko sisirain ang pagkakiabigan namin ano! Ayoko kay Gian, he's 11 days younger than I am! ayaw ko talaga sa mas bata sa akin. And besides, sinungaling ang taong iyon. Tingin ko! Hindi pa ako nakakamove on. Kung ano mang move on ang tinutukoy nila. At wala akong pake sa relasyon ng iba, hindi naman ako yumayaman doon eh. at isa pa, hindi ko naman kilala iyong dalawang iyon eh. At oo, mahal pa rin kita. Haha. Tawa na lang.

Hindi ko alam kung anong magbabago sa buhay ko mula ngayon. basta ang alam ko, mahirap talagang makalimot kahit pilitin mo. mahirap makipagkompetensya lalo pa't tanga ka. Anyway, sabi nga ng master: huwag kang makikipaglaban hanggat hindi ka kampanteng mananalo ka. At iyon lang ang ginagawa ko.

Ang gwapo pala ng katabi ko sa accounting. Baka mainlove ako sa kanya. haaayyy.

I miss you.