unang una...
ito ang number ko...
09*55947*9*
globe iyan.
Bago ko isinulat ito, binasa ko uli ang past ko. Nakakatuwa. Kasi nailagay ko pala sa August Diary na I will hold on hanggang sa makahanap ako ng bago. Ngayon may bago na, at gusto ko iyong sabihin sa kanya. Pero paano? Hindi ko alam. Sabi kasi friends na kami, parang hindi naman, kaya hayaan mo na nga.
JANUARY 27, 2012
I woke up at the wrong side of the bed this morning, at kapag ganito na masama ang gising ko nagpapagood shot muna ako bago ako makisalamuha sa ibang tao. Ang tendency kasi kapag ganito na umagang umaga kahit wala pang dumadaang bwisit sa harap ko bwisit nako lahat ng sama sa loob ko naichachannel ko sa iba. Meaning, nang-aaway ako ng tao in the simplest reason like ayaw ko iyong damit niya, ganun. Nirerehab ko sarili ko naglalaro ako, kumakanta, kinakausap ang sarili para lang hindi mag-increase iyong heart beat ko at mawala topak ko. Naglaro nga ako ng tetris eh. Nagchat pa kami ni Ronald. 9:00 na badtrip pa rin ako, hindi na ako pumasok ng first subject.
nakasimangot lang ako habang naglalakad papunta ng school. Feeling ko talaga lalong lalala iyong kondisyon ko noong pumasok ako ng room. Shit! Madadaanan ko si Joel. Batiin mo naman siya Kath, sinasabi ko sa sarili ko. Tang-ina mo Kath magpakatino ka, batiin mo siya. Walang lumabas na words eh, tiningnan ko lang siya paglagpas ko. I hate myself. Madadaanan mo sina Marlou Kath, umayos ka, smile, sige na. Wala pa rin. Nag good morning pa yata si Marlou sa akin pero parang ako timang na ewan. Mura ulit. Gago. Ethics pala ngayon, si Patrick ang katabi mo. Ano na lang ang mangyayari? Wala pa akong upuan. Binagsak ko iyong bag ko sa table namin. Ang manhid na iyon, hindi man lang niya ako binigyan ng upuan! E dating gawi... lapit kay Marlou.
Sabi sa akin ni Gem "Si Joel oh."
"Wala ako sa mood." tapos kay Marlou sinabi ko "wala akong upuan." kinuha ko iyong upuan niya. Period.
Edi magkatabi na kami ni Patrick. Naisip ko, ano bang klaseng lalake na naman tong pinasok ko sa buhay ko? Mukhang siraulo.Napakaseryoso, pero ang ganda ng ilong niya talaga! Sobra. Tinitigan ko. Ang haba ng pilik mata. Ang pangit nga lang ng pagnguya niya nong bubble gum. Tapos ibinigay na sakin ni Aika iyong pinabili kong cool fever kahapon.
Sabi niya: Ano to? Kool Fever? may sakit ka?
"Feeling ko. Kaya nga hindi kita inaasar di ba?"
Wala lang. Bumalik lang siya sa ginagawa niyang assignment sa Econ. Ewan ko ba, parang nagkaroon ako ng energy.
"Patrick... Patrick... Patrickiii... Patrick.... Patrick... Patrickiii. Patrick!!!!"
Nakailang Patrick din ako bago niya ako pinansin. Sabi niya: 'Hmmm...'
Hindi pa niya ako tiningnan no'n. Ibang klase talaga. Nabuhay iyong dugo ko sa ginawa niya.
Tapos dumating si Rochelle, binigyan kami ng chocolate.
"Bigyan mo si kwan Kath." sabi niya sa akin. Di pumutol ako ng isang bar tapos itinapat ko sa mukha niya. Umiling lang siya sakin. "Kainin mo na! Akala ko ba gusto mo ng chocolate?"
"Huwag na."
"Kainin mo na, kung hindi ako mismo ang magsusubo nito sa'yo."
Kinuha din naman niya, at nagpasalamat siya. HINDI SA AKIN! kay Rochelle. Ang ewan ano? Hindi niya magawang magthank you sa akin. Nakakalungkot. Kaya iyong kalungkutan ko, naipasa na naman sa pangangalkal ko ng bag niya. May rosary, may novena pa. Tapos noong tiningnan kong mabuti iyong loob. OM!
"ANO TO?????!!!!!!"
Agad niyang kinuha iyong candy na hawak ko(iyong mentos na binigay ko sa kanya kahapon) at inilayo sa akin iyong bag niya. "Wala iyan!"
"Sabi mo kinain mo na iyan kahapon? Ano iyan? Napakasinungaling mo talaga! Pinaniwala mo ako!"
Ay naku. Tensed ako, kung kani kanino lang ako nagsumbong, una kay Nessa.
"Nessa! Naalala mo ba iyong candy na binigay ko sa kanya kahapon? Iyong mentos na dalandan?"
"Pineapple" sabat niya. Tingnan mo nga naman, alam niya talaga eh.
"Pineapple pala. Sabi niya kinain na daw niya pero hindi pala! Sinungaling! Layo Pat!" Lumayo naman. "Patrick Layo pa! Abot pa kita niyan, baka masapak kita, hindi ako nagbibiro, layo pa! Layo pa!" Wala na siyang ginawa kundi ngumiti. Nagsumbong uli ako kay Aika, kay Rochelle, kay Marlou Jay, kay Gem, at lastly kay Joel. Sus. hindi halata dahil sa sobrang pagkahyper ko pero sumama talaga ang loob ko. Promise. Aanhin naman kasi niya iyong candy na iyon? ilalagay sa treasure box? Weirdo.
Ito namang si Joel parang takot na takot sa akin, lumalapit ako lumalayo. Nakakatuwa. buti na lang nandiyan si Jayrol. Bigla kong nagustuhang maglaro. Mahilig talaga akong maglaro ng kung ano ano. Doon na nagsimula ang paglalaro namin ng killer killer. Kaming tatlo na lang nina Aika ang natira. Boring pag tatlo lang, nagtatawag ako walang may gusto. Dumating si Joel, nagsidatingan na rin ang mga kalaro ko. Yay!
Actually hindi ko naintindihan iyong mechanics ng game. basta ang sigurado doon, may kikindat at may mamatay. Main Characters: Killer, Pulis, Doctor. Tapos ang mga civilians na pampagulo: Student, GRO, Teacher at Engineer. Di ba bongga?
Gayahan na to. Pag kinindatan ka daw ng killer, you're supposed to say 'I'm dead' then wait until the doctor cures you so you could join the game again. Pero pag iyong pulis ang nakindatan ng killer, sasabihin ng pulis 'I caught you' and that's the end of the game. (Sa kalagitnaan ng laro napaptingin ako sa likod, nandon si Patrick, nandon si Ceska, selos much ang drama! Lagot iyang Patrick na iyan sakin!) Tas sabi may consequence yung matatalong killer. Hindi man matuloy tuloy. Pero noong huli. OM. Allen kasi! Nandadamay ng kamalasan. Bakit ako pa ang nakabunot ng papel na may killer?! Pwede namang si Jayrol na lang, o kaya si Aika, si Gem, si Joel, si Marlou. Ako! Ako na di marunong sumayaw? Bakit naman ganun? Syempre, a word is a word, ang tapang ko lang kasi. Nahiya ako kay Pat sa ginawa ko. Natitimang ako sa sarili ko? Ano ba iyan? Hindi ko na uli iyon gagawin ever. Talaga!
http://tvleigh.muzy.com/post/26402869
1 comment:
'yung mentos, baka bago! haha...
o baka nga tama 'yung unang theory mo.
Ilalagay niya sa treasure box.
Post a Comment