Thursday, January 26, 2012

PC

January 25, 2012
Ecstatic, hindi ako masaya. May quiz na naman kassi sa Rizal. Pero di ko naman inexpect na magiging masaya ako sa kalagitnaan. Magkatabi kasi kami ni Patrick sa ethics. At wala kaming teacher kaya ganun, kwentuhan echosan. Kasama namin sina Thamar at Jayrol. :]

Ako: ang ganda talaga ng ilong mo. Iyan kaya iyong pinakagusto ko sa features mo.
Thamar: Naks! Haha. May lahi ka Pat?
Patrick: Wala.
Jayrol: Baka naman meron hindi mo lang alam.
Ako: Tama.
Patrick: Hindi wala talaga.
Ako: Ay naku, binabalaan na kita Patrick, huwag mong ipapahawak sakin iyan at baka bukas sirang sira na iyang ilong na iyan.
Thamar: Ayii.
Ako: Kinikilig ako.
Thamar: Naks naman Patrick! Ang gwapo mo, ang daming nagkakagusto sa'yo.
Ako: Oo nga.
Patrick: Bakit ikaw?
Ako: Anong bakit ako? May gusto naman talaga ako sa'yo di ba? Nililigawan na nga kita eh. Manhid talaga nito oh.
Patrick: Nanliligaw ka na pala. Hindi ko feel.
Ako: E ano ba kasing gusto mong gawin ko ha?
Patrick: Bigyan mo akong pagkain,
Ako: Binibigyan nga kita ng skyflakes ayaw mo naman.
Patrick: Gusto ko ng chocolate.
Ako: Di dapat sinabi mo!
Jayrol?: Paano pag nainlove sa'yo si Patrick?
Ako: Ay! Subukan niya. Tatawanan ko talaga siya. Huwag. Birubiruan lang to.
Patrick: Oo!

Kung maka-oo naman eh. EEEhhhh? Sumaya din ako sa lunch time? SImple lang iyon, kasama ko lang sina Rochelle, Imee at Nessa sa canteen. Tapos bigla kong namiss si WIJAY. Alam niyo na, wala ng pakiramdaman eh. Parang kami lang ni Nessa iyon, hindi pa rin naihihiwalay iyong kakaibang feeling. Hindi naman na talaga kami naghiwalay ni Nessa. Ayaw ko din. Feeling ko nga mamatay na ako pag wala na si Nessa eh. Hindi ko man kasi kaya.
Theo, isa ring pang-asar.

Ako: Patrick! Girlfriend mo si Ceska?
Patrick: Hindi. Bakit selos ka?
Ako: Oo.
Rose: Hindi niya girlfriend si Ceska. Ano ka ba?

Ewan. No comment. Tetris battle na!

January 26, 2012
Oo. Masaya ako ngayong araw na ito.
Sinimulan ko kasi ang araw ko sa larong tetris, pampagood shot ba bago ang quiz.
Gawd. It was so awkward though during our Econ we we're literally forced to do something because we're late daw! That teacher is really a pain! Promise. Certified public humiliation iyong pinagawa niya.
Sinundan pa ng chismisan namin nina Greggy.

Greggy: Ikaw, type mo si Patrick ano?
Ako: Oo. Parang ganoon na nga.
Greggy: Madami kang kaagaw sa kanya girl. Ang daming nagkakacrush diyan.
Ako: Ow?
Greggy: u-uhm. Halos lahat nga yata ng kaklase namin dati nagkacrush sa kanya.

Nasad naman daw ako. Ewan ko kung bakit pero nasad lang talaga ako. Iniiwasan kong maging malungkot, pero ewan ko ba? Hmph! kaasar kaya! Buti na lang nakita ko si Joel.

Ako: Joel alam mo may kamukha ka. Alam mo iyong nasa Rise of the Planet of the Apes?
Carlo: Joel ginagago ka niya oh.
Ako: Oi, kamukha mo talaga. Iyong doktor na nag-alaga doon kay... ano na nga bang pangalan non?
Carlo: Basta iyon iyong mabait.
Ako: Oo. Uy Joel ha? Pag nagbreak kami ni Patrick ikaw ang ipapalit ko ha?
Carlo: Kayo ni Patrick?
Ako: Oo. Tanungin mo. Patrick. Patrickiii... Kinakausap ka ng tatay ko!
Carlo: Girlfriend mo daw?
Patrick: Di!

Ang lakas ng pagtanggi eh. Haha. Pero kung iisiping mabuti. Kasalan ni Carlo kung bakit nadevelop iyong crush ko kay Patrick eh. Naalala ko talaga. Pinipilit niya akong sabihin ang 'Hindi ko crush si Patrick' at hindi ko masabi ng deretso. Gawd! I hate this.

Binigyan ko pa siya ng aking favorite candy na mentos.

Patrick: Hindi. May bubble gum ako dito.
Ako: Ay, binibigyan na nga sinosoli pa. Huwag kang mag-alala walang gayuma iyan.
Patrick: Oo na.
Ako: Kainin mo ha? Pag hindi mo iyan kinain isusumpa kita.
Patrick: Oo.
Tapos kinulit ko uli. Persistent ako eh.
Ako: Patrick, palit tayo nung mentos, may dynamite ako.
Patrick: Nakain ko na. (eehhh. kinain niya. ansaya ko naman daw)

Tapos dinaldalan pa ako ng katabi kong si Tiniel.
Ako: Kami na nga ni Patrick. Di ba Pat?
Tiniel: Uhm? Epal nito oh.
Ako: Tanungin mo kasi ah.
Tiniel: Anong pangalan niya?
Ako: Patrick.
Tiniel: Patrick...
Ako: Patrick, kinakausap ka ng tatay ko.
Patrick: Ang dami mo namang tatay. Akala ko ba si Carlo?
Nessa: Ampon lang iyan eh.
Tiniel: Kayo na daw nito oh.
Patrick: Di.
Tiniel: Hindi daw haha. Wala. Dinedeny ka niya.

Talaga naman kasing hindi mo mapipilit ang isang tao na mainlove sa'yo overnight. Buti na lang nandiyan si Joel. kami ang nagsabay ng manggaling kami sa canteen. Grabe. Iba rin ito!

Ako: Basta Joel ha? Pag nagbreak kami ni Patrick, ikaw ang ipapalit ko ha?

Walang sagot. Napakatahimik ng taong ito. Man of a few words. Pero in all fareness, akala ko naman tuluyan niya akong iinjanin pero hindi.
Joel: Saan ka nakaupo?
Ako: Sa harap. Bakit?
Joel: Tara! Ihahatid na kita.
Ako: Seryoso ka? Uy huwag na. ANo ka ba?
At ipinaghila pa niya ako ng upuan. Gentleman. Hindi katulad ni Patrick. Eh?

At noong uwian.
Ako: Ayaw kong kasabay si Patrick.
patrick: Bakit? Gusto rin ba kasi kitang kasabay?
Ako: Ok lang. May Joel naman na ako. Si Joel mabait. Si Joel gentleman, ipinaghila pa niya ako ng upuan kanina. Hindi katulad ng isa diyan.
Patrick: Ah, ganun na pala ang mga type mo ngayon?
Pamela: Ang lakas mong mambasag ng trip.
Ako: Aray! Malamang ganun ang mga type ko. Katulad mo hindi gwapo.

Saka kami natahimik saglit.
Ako: Pero hindi man. Si Patrick na yata ang pinakagwapong lalaking nakilala ko.
Pam: naks! lalaki na naman ang ulo nito. Tingnan niyo nga pumapalakpak na iyong tenga niya.
Ako: Hindi. Totoo.

And just there. I realized, I could've already fallen in love with this guy! OO, malamang ganoon na nga. Ang hirap aminin, parang ambilis kasi. Pero anong magagawa ko? Kabaliw!

1 comment:

Anonymous said...

patawa... hahahahaha.
-gem