Saturday...
Usually kapag ganitong saturday chill na lang ang mga tao, pero ako, may klase pa malamang. I woke up at the wrong side of the bed that morning. Ewan, wala ako sa mood talaga eh. Probabaly because I havent had enough sleep last night.
Naibawi ko nga lang talaga sa kalokohan ko noong tanghali lahat ng kabadtripang nararamdaman ko. May quiz na naman kasi kami sa IT. Nakakaasar kaya iyong mga ganoong teacher, wala ng ginawa kundi magpahirap ng estudyante. Excuse me, ang nililigtas ni Darna ay ang mundo, hindi niya kayang isabay ang pag-aaral sa trabaho. Pwede bang one task at a time lang? Pwede naman iyon di ba?
Haaaayyy... Buti na lang, nakilala ko si Nardong Putik. Kalove team ko iyon. Hindi naman masamang gumawa ng sarili kong kalove team di ba? Isa pa, cute talaga si Nardo. Masipag mag-aral, cute, at talagang type na type ko. Ang tanging defect lang niya...
laging nakataas iyong kwelyo ng damit niya, parang elvis lang. Ewan ko kung bakit, pero kahit ganoon iyon, gusto ko siya. Sabi sakin ng katabi ko, natatakot na daw si Nardo sa akin dahil masyado akong aggressive. Anong magagawa niya, e sa talagang ganito ako eh. isa pa, ayaw kong mawala si nardo sa akin. Chos! Haha. deh, gusto ko talaga siya. Pero ayaw kong magkagusto siya sa akin. Ang weird noh. Deh, hindi ko lang kasi alam kung anong gagawin ko once na magkagusto din siya sa akin. Magkakailangan lang kami, mawawala iyong friendship, malamang magkakasakitan din. Kaya, better na ipakita ko na lang through kalokohan. Di ba?
No comments:
Post a Comment