Friday, November 9, 2012

November 08, 2012




Naranasan mo na bang makarinig ng joke ng paulit-ulit na nakalimutan mo na kung bakit iyon nakakatawa? Tapos bigla mo iyong maririnig uli sa di inaasahang oras at pagkakataon at bigla mong maaalala iyong rason kung bakit at saka ka tatawa uli.

Iyon mismo ang nangyari sa akin...
        
        5:30 na ako nagising. Kumunot agad ang noo ko. Why do I have to wake up and find that my ceiling was invaded by an imagery of him descending the stairs of Devesse wearing that gray sweatshirt of his? God! Umagang umaga naman oh!

Pero ngayon ko lang uli siya naalala. This is a familiar feeling though. Namimiss ko siya. Siguro kasi wala man lang akong nareceive na text ngayon. It’s been two days since I last received a good night and a good morning.

Tinatamad akong magtext pero pinilit kong magtype para iparamdam na buhay pa ako.
Group Message:
“Namimiss ko si Wilbert! Ano ba yan?! Wala kasi akong katxt eh.
Wala man lang naggood morning sakin ngayon, tsk! @_@”

Matapos ang pangongonsensya kong iyon, nagsidatingan na ang mga reply nila ng good morning. Chi! Haha. Nakakasakit ng ulo.

Nakikinig lang ako ng Don’t ever let it end ng Nickelback habang nakaupo sa bench nang biglang may tumawag. It was Dave. I asked myself, what could he possibly want? But before I could even think of a relevant answer to the question, my phone had already received the call. Nakalimutan ko na nakaset pala sa auto answer iyon.

“Hello?... Dave?”

“Hindi si Dave to.” Halata nga. Alam ko kung anong tunog ng boses ni Dave. Kinabahan ako bigla. Sino to? Clearly it’s a guy. Napaisip tuloy ako ng kung ano-anong mga rason kung bakit hindi si Dave itong kausap ko ngayon. Nawala din ba ni Dave ang phone niya? O baka naman kuya niya to. Either way, ayaw kong makipag-usap sa taong di ko kilala.

“Ah. Sorry po.” I mumbled. I-eend ko na sana iyong tawag. Dapat din ginawa ko na. Pero hindi eh, hinintay ko pa iyong sasabihin niya.

“Sino to?” tanong niya. I should be the one asking that! Sino ba ‘to?

“Kathleen po.” Uy! Di naman ako sinungaling. Saka, pangalan lang naman iyon. Hindi naman siguro niya ako kilala.

“May kilala kang Wijay?”

With that question, my heart stopped. I don’t think Dave knows about Wijay. At least about the name. Iyon ang palayaw na ibinigay ko noon kay Wilbert. And only my friends and the guy himself knew about that.

“Sino?” Kunwari daw hindi ko narinig.

“Wijay.” Ulit niya. “Kilala mo?”

“Sino iyon?” I stupidly asked. I was already clutching my chest and cursing myself for being so dim-witted! Bakit naman sa lahat ng pangalan Wijay pa? Gawd! Kilala ko na yata ang taong ito.

This kind of thundering heartbeat of mine is so familiar. It happens every time I see him unexpectedly at school before. He’s the only one who could really do this to me.

“Ako.” sabi niya. “Si Wijay to.”

Heh! Soap Opera!?

Damn! I guess I died. How many months had it been? I naturally avoided seeing him in school before. Ayoko lang. Gulong gulo na iyong utak ko. Nakalimutan ko na nga kung anong sinabi ko sa kanya eh. His voice was just so intoxicating. It was overwhelming. I should’ve recorded it.

“Hinahanap mo si Dave?”

LA! Ang alam ko mahirap siyang patawanin. But at that moment, I was certain... he must’ve laughed at this very awkward situation.

Dave’s familiar voice then came in. “Hello Kath.”

“Dave! Ansama ng ugali mo!” I’m back to my OA self. My chest hurts. Unexpected kasi eh. I wondered. Where are they exactly? Tahimik kasi sa background. At bakit sila magkasama? Naman! Kaya nga anlakas ng loob kong sabihin iyong text na iyon kasi ang alam ko hindi na sila nagkikita masyado at hindi naman siguro ipagsasabi ni Dave iyon. But look at this situation! It's so awkward! I can't even say thank you. In fact, I don't want to say thank you. It will complicate things.

“Napakabuti kong kaibigan di ba? Di lang text iyon.”

“Niloloko niyo na ako eh.”

“Sabi mo namiss mo si Beck, nagkataon lang na nandito siya. O di nakausap mo na? Ang bait ko di ba?”

Mabait naman talaga si Dave. Proven iyon. Pero hindi ko naman ineexpect na mageextend pa sa ganito iyong kabaitan niya. Hindi ako galit. Naiiyak ako. Gah! Dapat hindi ko na siya naalala.

When my friend Bev asked me ‘limot mo na sya?’ last September, I confidently answered ‘oo. Matagal na.’ It was the truth back then. But right now, if I’d be asked the same question yet again. I’m not sure what my answer would be. He always had this ability of confusing me, and to think that he can still do that was a certain proof that there’s still that ember waiting to burn.

It took a great effort to forget him. I did everything within my capacity. And since it’s one sided there was no such thing us setting him free, it was merely distancing myself from him. And it had worked so far.

And now that the distance was breached by his voice, the feeling I felt for him before was reawakened. God! Effort na naman to! Matinding effort.

But I did appreciate the gesture. And the most important thing was, I now have an answer to the question: “What was the Last thing they did for You that made you smile?” It would be this one. This, I can consider as something that is really for me.

Thursday, April 19, 2012

April 17, 2012

I started my day with a curse. Disaster came then, and there; one after the other.

I left my calculator at home. I resorted on asking my board mate to bring it to school for me. I met her at 801 after my class.

Who knew what happened next?

I didn't really expect to see him there. I didn't know. If I had known i wouldn't be there at all. But it's too late. I've seen him. I wonder if he saw me. Maybe not.

Not that i'm afraid of him. It's just that his presence brought about a strange effect on me. He makes me nervous. He shattered my defenses. So I have every reason to want to hide or run, don't i?

Friday, January 27, 2012

the game

unang una...
ito ang number ko...
09*55947*9*
globe iyan.

 Bago ko isinulat ito, binasa ko uli ang past ko. Nakakatuwa. Kasi nailagay ko pala sa August Diary na I will hold on hanggang sa makahanap ako ng bago. Ngayon may bago na, at gusto ko iyong sabihin sa kanya. Pero paano? Hindi ko alam. Sabi kasi friends na kami, parang hindi naman, kaya hayaan mo na nga.

JANUARY 27, 2012
I woke up at the wrong side of the bed this morning, at kapag ganito na masama ang gising ko nagpapagood shot muna ako bago ako makisalamuha sa ibang tao. Ang tendency kasi kapag ganito na umagang umaga kahit wala pang dumadaang bwisit sa harap ko bwisit nako lahat ng sama sa loob ko naichachannel ko sa iba. Meaning, nang-aaway ako ng tao in the simplest reason like ayaw ko iyong damit niya, ganun. Nirerehab ko sarili ko naglalaro ako, kumakanta, kinakausap ang sarili para lang hindi mag-increase iyong heart beat ko at mawala topak ko. Naglaro nga ako ng tetris eh. Nagchat pa kami ni Ronald. 9:00 na badtrip pa rin ako, hindi na ako pumasok ng first subject.

nakasimangot lang ako habang naglalakad papunta ng school. Feeling ko talaga lalong lalala iyong kondisyon ko noong pumasok ako ng room. Shit! Madadaanan ko si Joel. Batiin mo naman siya Kath, sinasabi ko sa sarili ko. Tang-ina mo Kath magpakatino ka, batiin mo siya. Walang lumabas na words eh, tiningnan ko lang siya paglagpas ko. I hate myself. Madadaanan mo sina Marlou Kath, umayos ka, smile, sige na. Wala pa rin. Nag good morning pa yata si Marlou sa akin pero parang ako timang na ewan. Mura ulit. Gago. Ethics pala ngayon, si Patrick ang katabi mo. Ano na lang ang mangyayari? Wala pa akong upuan. Binagsak ko iyong bag ko sa table namin. Ang manhid na iyon, hindi man lang niya ako binigyan ng upuan! E dating gawi... lapit kay Marlou.

Sabi sa akin ni Gem "Si Joel oh."
"Wala ako sa mood." tapos kay Marlou sinabi ko "wala akong upuan." kinuha ko iyong upuan niya. Period.

Edi magkatabi na kami ni Patrick. Naisip ko, ano bang klaseng lalake na naman tong pinasok ko sa buhay ko? Mukhang siraulo.Napakaseryoso, pero ang ganda ng ilong niya talaga! Sobra. Tinitigan ko. Ang haba ng pilik mata. Ang pangit nga lang ng pagnguya niya nong bubble gum. Tapos ibinigay na sakin ni Aika iyong pinabili kong cool fever kahapon.
Sabi niya: Ano to? Kool Fever? may sakit ka?
"Feeling ko. Kaya nga hindi kita inaasar di ba?"
Wala lang. Bumalik lang siya sa ginagawa niyang assignment sa Econ. Ewan ko ba, parang nagkaroon ako ng energy.
 "Patrick... Patrick... Patrickiii... Patrick.... Patrick... Patrickiii. Patrick!!!!"
Nakailang Patrick din ako bago niya ako pinansin. Sabi niya: 'Hmmm...'
Hindi pa niya ako tiningnan no'n. Ibang klase talaga. Nabuhay iyong dugo ko sa ginawa niya.
Tapos dumating si Rochelle, binigyan kami ng chocolate.
"Bigyan mo si kwan Kath." sabi niya sa akin. Di pumutol ako ng isang bar tapos itinapat ko sa mukha niya. Umiling lang siya sakin. "Kainin mo na! Akala ko ba gusto mo ng chocolate?"
"Huwag na."
"Kainin mo na, kung hindi ako mismo ang magsusubo nito sa'yo."
Kinuha din naman niya, at nagpasalamat siya. HINDI SA AKIN! kay Rochelle. Ang ewan ano? Hindi niya magawang magthank you sa akin. Nakakalungkot. Kaya iyong kalungkutan ko, naipasa na naman sa pangangalkal ko ng bag niya. May rosary, may novena pa. Tapos noong tiningnan kong mabuti iyong loob. OM!

"ANO TO?????!!!!!!"
Agad niyang kinuha iyong candy na hawak ko(iyong mentos na binigay ko sa kanya kahapon) at inilayo sa akin iyong bag niya. "Wala iyan!"
"Sabi mo kinain mo na iyan kahapon? Ano iyan? Napakasinungaling mo talaga! Pinaniwala mo ako!"
Ay naku. Tensed ako, kung kani kanino lang ako nagsumbong, una kay Nessa.
"Nessa! Naalala mo ba iyong candy na binigay ko sa kanya kahapon? Iyong mentos na dalandan?"
"Pineapple" sabat niya. Tingnan mo nga naman, alam niya talaga eh.
"Pineapple pala. Sabi niya kinain na daw niya pero hindi pala! Sinungaling! Layo Pat!" Lumayo naman. "Patrick Layo pa! Abot pa kita niyan, baka masapak kita, hindi ako nagbibiro, layo pa! Layo pa!" Wala na siyang ginawa kundi ngumiti. Nagsumbong uli ako kay Aika, kay Rochelle, kay Marlou Jay, kay Gem, at lastly kay Joel. Sus. hindi halata dahil sa sobrang pagkahyper ko pero sumama talaga ang loob ko. Promise. Aanhin naman kasi niya iyong candy na iyon? ilalagay sa treasure box? Weirdo.
Ito namang si Joel parang takot na takot sa akin, lumalapit ako lumalayo. Nakakatuwa. buti na lang nandiyan si Jayrol. Bigla kong nagustuhang maglaro. Mahilig talaga akong maglaro ng kung ano ano. Doon na nagsimula ang paglalaro namin ng killer killer. Kaming tatlo na lang nina Aika ang natira. Boring pag tatlo lang, nagtatawag ako walang may gusto. Dumating si Joel, nagsidatingan na rin ang mga kalaro ko. Yay!

Actually hindi ko naintindihan iyong mechanics ng game. basta ang sigurado doon, may kikindat at may mamatay.  Main Characters: Killer, Pulis, Doctor. Tapos ang mga civilians na pampagulo: Student, GRO, Teacher at Engineer. Di ba bongga?

Gayahan na to. Pag kinindatan ka daw ng killer, you're supposed to say 'I'm dead' then wait until the doctor cures you so you could join the game again. Pero pag iyong pulis ang nakindatan ng killer, sasabihin ng pulis 'I caught you' and that's the end of the game. (Sa kalagitnaan ng laro napaptingin ako sa likod, nandon si Patrick, nandon si Ceska, selos much ang drama! Lagot iyang Patrick na iyan sakin!) Tas sabi may consequence yung matatalong killer. Hindi man matuloy tuloy. Pero noong huli. OM. Allen kasi! Nandadamay ng kamalasan. Bakit ako pa ang nakabunot ng papel na may killer?! Pwede namang si Jayrol na lang, o kaya si Aika, si Gem, si Joel, si Marlou. Ako! Ako na di marunong sumayaw? Bakit naman ganun? Syempre, a word is a word, ang tapang ko lang kasi. Nahiya ako kay Pat sa ginawa ko. Natitimang ako sa sarili ko? Ano ba iyan? Hindi ko na uli iyon gagawin ever. Talaga!

http://tvleigh.muzy.com/post/26402869

Thursday, January 26, 2012

PC

January 25, 2012
Ecstatic, hindi ako masaya. May quiz na naman kassi sa Rizal. Pero di ko naman inexpect na magiging masaya ako sa kalagitnaan. Magkatabi kasi kami ni Patrick sa ethics. At wala kaming teacher kaya ganun, kwentuhan echosan. Kasama namin sina Thamar at Jayrol. :]

Ako: ang ganda talaga ng ilong mo. Iyan kaya iyong pinakagusto ko sa features mo.
Thamar: Naks! Haha. May lahi ka Pat?
Patrick: Wala.
Jayrol: Baka naman meron hindi mo lang alam.
Ako: Tama.
Patrick: Hindi wala talaga.
Ako: Ay naku, binabalaan na kita Patrick, huwag mong ipapahawak sakin iyan at baka bukas sirang sira na iyang ilong na iyan.
Thamar: Ayii.
Ako: Kinikilig ako.
Thamar: Naks naman Patrick! Ang gwapo mo, ang daming nagkakagusto sa'yo.
Ako: Oo nga.
Patrick: Bakit ikaw?
Ako: Anong bakit ako? May gusto naman talaga ako sa'yo di ba? Nililigawan na nga kita eh. Manhid talaga nito oh.
Patrick: Nanliligaw ka na pala. Hindi ko feel.
Ako: E ano ba kasing gusto mong gawin ko ha?
Patrick: Bigyan mo akong pagkain,
Ako: Binibigyan nga kita ng skyflakes ayaw mo naman.
Patrick: Gusto ko ng chocolate.
Ako: Di dapat sinabi mo!
Jayrol?: Paano pag nainlove sa'yo si Patrick?
Ako: Ay! Subukan niya. Tatawanan ko talaga siya. Huwag. Birubiruan lang to.
Patrick: Oo!

Kung maka-oo naman eh. EEEhhhh? Sumaya din ako sa lunch time? SImple lang iyon, kasama ko lang sina Rochelle, Imee at Nessa sa canteen. Tapos bigla kong namiss si WIJAY. Alam niyo na, wala ng pakiramdaman eh. Parang kami lang ni Nessa iyon, hindi pa rin naihihiwalay iyong kakaibang feeling. Hindi naman na talaga kami naghiwalay ni Nessa. Ayaw ko din. Feeling ko nga mamatay na ako pag wala na si Nessa eh. Hindi ko man kasi kaya.
Theo, isa ring pang-asar.

Ako: Patrick! Girlfriend mo si Ceska?
Patrick: Hindi. Bakit selos ka?
Ako: Oo.
Rose: Hindi niya girlfriend si Ceska. Ano ka ba?

Ewan. No comment. Tetris battle na!

January 26, 2012
Oo. Masaya ako ngayong araw na ito.
Sinimulan ko kasi ang araw ko sa larong tetris, pampagood shot ba bago ang quiz.
Gawd. It was so awkward though during our Econ we we're literally forced to do something because we're late daw! That teacher is really a pain! Promise. Certified public humiliation iyong pinagawa niya.
Sinundan pa ng chismisan namin nina Greggy.

Greggy: Ikaw, type mo si Patrick ano?
Ako: Oo. Parang ganoon na nga.
Greggy: Madami kang kaagaw sa kanya girl. Ang daming nagkakacrush diyan.
Ako: Ow?
Greggy: u-uhm. Halos lahat nga yata ng kaklase namin dati nagkacrush sa kanya.

Nasad naman daw ako. Ewan ko kung bakit pero nasad lang talaga ako. Iniiwasan kong maging malungkot, pero ewan ko ba? Hmph! kaasar kaya! Buti na lang nakita ko si Joel.

Ako: Joel alam mo may kamukha ka. Alam mo iyong nasa Rise of the Planet of the Apes?
Carlo: Joel ginagago ka niya oh.
Ako: Oi, kamukha mo talaga. Iyong doktor na nag-alaga doon kay... ano na nga bang pangalan non?
Carlo: Basta iyon iyong mabait.
Ako: Oo. Uy Joel ha? Pag nagbreak kami ni Patrick ikaw ang ipapalit ko ha?
Carlo: Kayo ni Patrick?
Ako: Oo. Tanungin mo. Patrick. Patrickiii... Kinakausap ka ng tatay ko!
Carlo: Girlfriend mo daw?
Patrick: Di!

Ang lakas ng pagtanggi eh. Haha. Pero kung iisiping mabuti. Kasalan ni Carlo kung bakit nadevelop iyong crush ko kay Patrick eh. Naalala ko talaga. Pinipilit niya akong sabihin ang 'Hindi ko crush si Patrick' at hindi ko masabi ng deretso. Gawd! I hate this.

Binigyan ko pa siya ng aking favorite candy na mentos.

Patrick: Hindi. May bubble gum ako dito.
Ako: Ay, binibigyan na nga sinosoli pa. Huwag kang mag-alala walang gayuma iyan.
Patrick: Oo na.
Ako: Kainin mo ha? Pag hindi mo iyan kinain isusumpa kita.
Patrick: Oo.
Tapos kinulit ko uli. Persistent ako eh.
Ako: Patrick, palit tayo nung mentos, may dynamite ako.
Patrick: Nakain ko na. (eehhh. kinain niya. ansaya ko naman daw)

Tapos dinaldalan pa ako ng katabi kong si Tiniel.
Ako: Kami na nga ni Patrick. Di ba Pat?
Tiniel: Uhm? Epal nito oh.
Ako: Tanungin mo kasi ah.
Tiniel: Anong pangalan niya?
Ako: Patrick.
Tiniel: Patrick...
Ako: Patrick, kinakausap ka ng tatay ko.
Patrick: Ang dami mo namang tatay. Akala ko ba si Carlo?
Nessa: Ampon lang iyan eh.
Tiniel: Kayo na daw nito oh.
Patrick: Di.
Tiniel: Hindi daw haha. Wala. Dinedeny ka niya.

Talaga naman kasing hindi mo mapipilit ang isang tao na mainlove sa'yo overnight. Buti na lang nandiyan si Joel. kami ang nagsabay ng manggaling kami sa canteen. Grabe. Iba rin ito!

Ako: Basta Joel ha? Pag nagbreak kami ni Patrick, ikaw ang ipapalit ko ha?

Walang sagot. Napakatahimik ng taong ito. Man of a few words. Pero in all fareness, akala ko naman tuluyan niya akong iinjanin pero hindi.
Joel: Saan ka nakaupo?
Ako: Sa harap. Bakit?
Joel: Tara! Ihahatid na kita.
Ako: Seryoso ka? Uy huwag na. ANo ka ba?
At ipinaghila pa niya ako ng upuan. Gentleman. Hindi katulad ni Patrick. Eh?

At noong uwian.
Ako: Ayaw kong kasabay si Patrick.
patrick: Bakit? Gusto rin ba kasi kitang kasabay?
Ako: Ok lang. May Joel naman na ako. Si Joel mabait. Si Joel gentleman, ipinaghila pa niya ako ng upuan kanina. Hindi katulad ng isa diyan.
Patrick: Ah, ganun na pala ang mga type mo ngayon?
Pamela: Ang lakas mong mambasag ng trip.
Ako: Aray! Malamang ganun ang mga type ko. Katulad mo hindi gwapo.

Saka kami natahimik saglit.
Ako: Pero hindi man. Si Patrick na yata ang pinakagwapong lalaking nakilala ko.
Pam: naks! lalaki na naman ang ulo nito. Tingnan niyo nga pumapalakpak na iyong tenga niya.
Ako: Hindi. Totoo.

And just there. I realized, I could've already fallen in love with this guy! OO, malamang ganoon na nga. Ang hirap aminin, parang ambilis kasi. Pero anong magagawa ko? Kabaliw!

Saturday, January 14, 2012

January 14, 2012

Saturday...
Usually kapag ganitong saturday chill na lang ang mga tao, pero ako, may klase pa malamang. I woke up at the wrong side of the bed that morning. Ewan, wala ako sa mood talaga eh. Probabaly because I havent had enough sleep last night.
Naibawi ko nga lang talaga sa kalokohan ko noong tanghali lahat ng kabadtripang nararamdaman ko. May quiz na naman kasi kami sa IT. Nakakaasar kaya iyong mga ganoong teacher, wala ng ginawa kundi magpahirap ng estudyante. Excuse me, ang nililigtas ni Darna ay ang mundo, hindi niya kayang isabay ang pag-aaral sa trabaho. Pwede bang one task at a time lang? Pwede naman iyon di ba?
Haaaayyy... Buti na lang, nakilala ko si Nardong Putik. Kalove team ko iyon. Hindi naman masamang gumawa ng sarili kong kalove team di ba? Isa pa, cute talaga si Nardo. Masipag mag-aral, cute, at talagang type na type ko. Ang tanging defect lang niya...
laging nakataas iyong kwelyo ng damit niya, parang elvis lang. Ewan ko kung bakit, pero kahit ganoon iyon, gusto ko siya.  Sabi sakin ng katabi ko, natatakot na daw si Nardo sa akin dahil masyado akong aggressive.  Anong magagawa niya, e sa talagang ganito ako eh. isa pa, ayaw kong mawala si nardo sa akin. Chos! Haha. deh, gusto ko talaga siya. Pero ayaw kong magkagusto siya sa akin. Ang weird noh. Deh, hindi ko lang kasi alam kung anong gagawin ko once na magkagusto din siya sa akin. Magkakailangan lang kami, mawawala iyong friendship, malamang magkakasakitan din. Kaya, better na ipakita ko na lang through kalokohan. Di ba?

Monday, January 9, 2012

January 09, 2012

I slammed into this guy. Hindi iyon sadya kahit alam kong cute siya. I mumbled a pacute sorry until I realized... O. M. Napatingin talaga kaming pareho sa damit namin. Magkaparehas kami walang hiya! Green na Lacoste, solid color ganoon din ang style. Ewan ko kung maiinis ako sa kanya o ano eh. Ewan ko ba, pero noong ngumiti siya, napangiti na din ako.

Ang kaso hindi kasi ito telenobela, kaya walang "Hi, I'm chorva. Hello I'm chenes". Napailing na lang siyang umalis habang ako, napangiti na rin. Gusto kong malunod! Grabe ang araw na ito.