Wednesday, July 6, 2011

the diary

July 3, 2011
I went on a date with my father today. It had been so fun having to scandalize in a part of Chow King. My father and I joke about some of the simplest things in life. I remember one time, we we’re solemnly eating our meals when I told him: “Papa may girlfriend ngay ako... tatanggapin mo ba kami?”
          He looked at me with a very serious expression, smiled then said: “Hindi, itatakwil pa kita!” Aray! Buti na lang joke lang iyon, kundi patay na naman ako! Ako pa man din iyong tipo ng tao na talagang ipinaglalaban ang pagmamahal lalo na kung mas mahal ako ng mahal ko. Nabuo ako dahil hinabol ng tatay ko ang nanay ko mula Ilocos Sur  hanggang Isabela. Ipinaglaban niya ang pagmamahal niya rito. Anti ako sa divorce bill, anong konek? Classified iyan sa personal issues ng buhay ko. Kasi ganito iyan, hindi na fruitful ang relationship ng parents ko. The marriage is on the rocks, they are just staying together as friends and also for the benefit of their children. But I know that my mother is secretly hoping for a change, sabihin na lang natin na sinusuklian niya ang pagiging matiyaga ng tatay ko sa panliligaw sa kanya dati. Pwede ba iyon?
          Anyway, I cracked another joke. “Papa, may nanliligaw ngay sa akin.”
          Ang dakilang reply na nakaka-aray: “Sige nga, iharap mo sa akin! Pag meron  nga iyiincrease ko allowance mo!”
“Challenge accepted!’ at saan naman daw ako kukuha ng lalake ngayon? Dexter?! Nakakaray din ang kabadingan nong taong iyon e! ano ba itong napasok ko. Sige na nga, I’m always responsible naman with regards to my actions. Kung masama man ang idudulot no’n, ok lang. We learn from everything. But Doug said “the problem with learning from our experiences is you never graduate.” So right.


July 5, 2011
Naalala ko ang kauna unahang lalakeng aking inibig. Naalala ko din na nagawa kong kalimutan siya, dahil sa isang bagay... it was because of the words that thoroughly radiated in my whole being. Ang sabi niya: “Don’t give meaning to a little act of sweetness, for it might give you the wrong impression as well as expectation.” Ganyan na ganyan talaga ang pagkakasabi niya no’n. Ang sakit di ba? Hindi naman kasi ako umaasa na magustuhan din niya ako. Ang masama lang doon, sinira niya iyong pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. Iyon bang tinatawag nilang first love. It never dies daw, pero mali sila... oo kinokontra ko iyon, may umaangal?! Sige lang, magpakalunod kayo sa first love never dies na iyan, tingnan lang natin... basta ako sawa na. Hindi sa pag-ibig kundi sa kanya.
Ito ngayon ang problema ko, umiral ang aking ka-hyper-an. Naka-puti kasi si P.S. ko. Lagi siyang nakaitim, kaya nakakapanibago. Hindi iyong pagiging hyper ko ang problema o iyong pagpuputi niya, pero ang pagiging obsessed ko sa kanya. Sino ba namang tao ang maiinlove sa taong nakikita mo lang na padaan daan sa harap mo? Wala! Ako lang, pero baliw nga kasi ako... pati solusyon, kabaliwan din. Nagrecruit pa ako ng mapgtitripan ko. Si Carlo, sakto kasi, matangkad, maputi, oo na sige, gwapo. Wen lattan ah, uray haan. Ito ang dialogue: “ayoko nga sa’yo! Hindi kita gusto! Maghanap ka na lang ng iba! Lubayan mo na ako!” hindi naman niya kayang sabihin, para iyon lang... nagpapraktis din akong manampal actually. Pero di, violation iyon, baka sampahan pa niya ako ng serious physical injuries. Alam kong di lang din iyon magwowork pero there’s no harm in trying di ba? Kung gusto mo siyang makalimutan, hayaan mong sarili mo’y masaktan at muling  maghilom, saka ka magmahal uli. Huwag niyo na akong gayahin, kung sino sino na lang basta gwapo.

July 6, 2011
There is something I realized, pag wala si P.S. masaya ako. Bakit? Kasi hindi ko siya iniisip. Magkakasama kami ng ilan sa mga high school friends ko ngayong araw. I’m wrong after all, tingin mo nga siguro nakalimutan ka na nila, pero pag nagsama uli kayo, mapapansin mo na lang na wala pa ring ipinagbago ang samahang nabuo ninyo dati. Ganoon pa rin sa hapag, nandoon pa rin ang biruan, asaran, kulitan, at tawanan na walang hanggan. Magakakaiba man kayo ng kinahinatnan at kinahihiligan, ano ngayon? Our differences make us truly unique. We fit in the puzzle of life. Ang sarap tingnan ng itinuring kong baby brother. Hindi man siya nakapagpagupit ng ilang taon, na kahit pwede nang ituck ang buhok niya sa likod ng kanyang tenga, gano’n pa rin ang lapad ng noo niya.
“kung makakaasar naman tong mga to!” si Pharancis.
“hindi iyon ganoon! Pero hindi ka na talaga tumangkad ano? Ang liit mo talaga.”
“wala sa liit iyan, nasa laki.” Si Phrancis.
“tama!” si Keipi.
“cute naman si Keipi e” sabi ko. Keipi is baby bro by the way.
“maliit din naman iyong lalake ni ezel ah”
“maputi naman” si ezel
“may lalake ka na pala tapos nagpapahanap ka pa!”
“oy! Itake out mo na iyang tira tol, pangdinner pa iyan” sabi ni Keipi. “isang daan na iyan sa Mcdo ano. May styro naman yata.”
“doggie bag” napatawa ako. Alam niyo ba kung ano iyon? Supot lang iyon, pero sa kaartehan nila, iyon ang itinawag.
“pagkain ng tao para na ring pagkain ng aso” dugtong ni Keipi. Ang baliw nila, swear! May pinagmanahan ako... o sige na, balik na kayo sa ginagawa niyo, ipagpapatuloy ko pa iyong korning script para sa role play namin bukas.

No comments: