July 12, 2011
Kagagaling ko lang sa sakit. Mild flu, though you would think, mild pa bang matatawag iyon samantalang hindi ako nakadalo sa isang subject ko? I have to stay home and rest. My head hurts so bad, my world is spinning, I have a terrible cough and I have no one beside me to attend to my needs. My roommate doesn’t seem to care. Para siyang gaga, I can imagine her saying,“hindi ko responsibility ang alagaan ka, nandito ako para mag-aral, bahala ka sa buhay mo”. At dahil doon, mas lalong sumama ang loob ko.
Nagulat na lang ako ngayong gabi, may nagmessage sa akin sa FB.
Hinayupak! Isang buong taon kong di nakita ang boypren niyang yun. Wala ding nangyari noong high school days namin, kasi isang buong taon ko siyang di pinansin noong 4th year, galit galitan ba? Tapos noong huli kaming nag-usap, sabi niya: “wala ka na bang ibang mapeste?” nangungumusta lang naman ako, because that was during the time that I’m all alone in Baguio with no other available friends and I was looking through the past… namimiss ko lahat ng kaklase ko, tapos ganoon ang makukuha ko. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng isang malalang judgement tungkol sa mga kaibigan ko noon. Na hindi na nila kayang balikan pa ang mga nangyari dati dahil nakafocus na sila sa hinaharap. Oo nga naman kasi, nasa present ka na, bakit ka pa babalik sa nagdaan diba? Pero nasaktan talaga ako sa sinabi niyang iyon, kaya inerase ko na siya ng tuluyan sa memorya ko. Hindi ako iyong tipo ng taong nagkikimkim ng galit sa iba. Pero kapag ako naman ang nasaktan, grabe talaga.
Imagine my surprise when I read this message of the girlfriend, ang sakit talaga. Wala akong ibang masabi sa sarili noong unang kundi aray… gusto ko na ngang sumigaw kaso gabi na noon. Wala akong ibang nagawa kundi replyan siya, at magsumbong sa mga kaibigan ko. Ang sabi ng friend kong si Diana, sabihin mo tol: “bagim lang ah, desperada, nakakinis yang mga ganyang babae akala mo mawawalan ng lalake”. Natawa tuloy ako at nawala na lahat ng insecurities ko.
But my questions are still there, ano ang ginawa ng simpleng pix na iyon para maoffend siya? Pinapalabas pa niyang mang-aagaw ako. Paano ko nasira ang relationship nila ng boyfriend niya kung nandito ako sa Baguio at nananahimik kasama ng mga pine tree? Unless, sa akin in love iyong boyfriend niya, diba?
July 14, 2011
Tinandaan ko ang petsang July 13, 2011, Wednesday. Magang maga ang mga mata dahil sa kakaiyak kagabi.
Bwisit na smiley… hindi ko nagawang mag-isip for a minute, basta nakatingin lang ako sa message na ito. And then I felt my heart beating fast and strongly inside my chest. I went out to breath in some air, and when I came back I can no longer contain all the emotion that had build up inside me. I can’t breathe… its like life is leaving me. I started to call a friend (for my roommate doesn’t care for me at all. She didn’t even give a glance when I started crying). Mariel answered the phone. And I just can’t stop crying, I can’t get my words straight. Guilty?! First time kong masabihan ng mga ganitong salita. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari, pero ginaganito niya ako. I feel so helpless lalo pa at wala akong kakampi. Wala akong mahingan ng tulong na nakakaalam kung anong sinasabi ng babaeng ito. Hindi ko kaya lahat ng pressure na ipinupunta niya sa sitwasyon ko. And the revenge of my friends begun.