tinopak ako at sumama sa debut ni Jirah. Napabili pa ako ng payong ng di oras, nakadalawang McBurger ako, isang regular na cokefloat, dalawang cinnamon roll at 3 tuna whatever... ganyan ako katakaw. At nagtataka pa rin ang marami kung bakit ganito ako kapayat. Well, mabilis ang metabolism ko, at sa case noong araw na iyon, gusto ko lang talagang gumastos at magpakassaya.
Wagas ang kasiyahan ko dahil kay Karla ano. Sobra! Kasi ganito iyan... sinamahan ko siya sa CR, nagkataon na may lalakeng naghihintay sa pinto. Braile ba? Pasensya sa spelling ha? Basta Braile ang alam kong pangalan niya. Well, ang gagi, pinilit buksan iyong pinto ng CR, but obviously it was locked.
"Sinong nandito?" tanong niya, as usual...
"Si Charleston."
"Ang tagal, parang babae!"
"Hoy! Charles dalian mo daw!"
kinatok ni Karla yung pinto, medyo napalakas kaya napatawa din ako. Tumalikod na lang ako nang bumukas ang pinto sabay iniluwa no'n ang isang lalake. "Shit! Ang bango niya!" sabi ng gaga. Ako talaga ang nahiya para sa aming dalawa. Ang lakas ng pagkakasabi niya non, di siguradong narinig!
Halfway through the celebration nagrun iyong stockings niya, ang inalala pa niya paano daw pag nakita ni Charleston? Over! Hindi ko siya kinakaya, tapos dineclare na niya na crush niya iyong lalake and all! But I have to admit, si Charleston ang unang crush ko ngayong college. Promise!
May exam pa dapat kami kinabukasan, Part 1. At grabeh, ang liwanag doon! Sumakit talaga mata ko. As in luluha na, ngayon ko lang talaga narealize ang kahalagahan ng eyeglasses sa buhay ko. Magpapagawa na nga ako uli. 120 na siguro grado nito. Kaso hindi ko bagay mag-eyeglasses. At isa pa, mapapraning lang ako kakasuot no'n kasi wala naman yung sasabitan eh. eh, basta! nag enjoy ako, yun na yun.
No comments:
Post a Comment