Monday, September 26, 2011

August 26

Wala, ansakit ng ulo ko. Monday kasi eh. At hindi natuloy part 1 namin. Nagkwentuhan lang kami sa P.E. dahil sa walang kwentang earthquake drill na iyan.

Ito ang malala, ang event na nakapagpadepress sa akin ng sobra sobra! Hindi na lang sana ako nakipagchismisan sa 5th floor. Sana hindi na lang naiwan ni Emz iyong susi niya para wala kaming hinintay kanina at para di na rin kami nakapaglaro ng usual na laro.

Naaalala niyo ba iyong mamimili ka ng kulay tapos kung sino man ang unang bumaba mula sa hagdan siya na? Hindi destiny ngayon, bestman. Sabi ni Vangie, dark blue ang kanya, violet kay Karla, brown kay Nessa, red kay Mariel. I thought of saying green for it was my favorite color, or blue, dahil iyon ang suot ni Paul. Pero ang sinabi ko ay Gray.

May dalawang nagsabay na bumaba. Not counted kasi jacket iyong isa, tas may kasamang iba naman iyong isa. Naisipan kong magGM. Sabi ko. wrong choice of color, ang daming nakagray. kakasend ko pa lang, pagtingin ko sa hagdan, biglang...

Posang Gala! Bat siya nakagray?!! Gusto ko tuloy umiyak... pati ba naman trono ng bestman ko, siya pa rin ang nag occupy. Eh? Ayoko na. Ang malas malas ko talaga sa pagpili ng kulay kahit kelan. Hindi na ako makikipaglaro next time talaga. Sumasakto eh!

Nadepress ako doon. Buti na lang may nagpasaya ng araw ko. Ang substitute teacher namin sa Philo. Ang favorite teacher namin noong second sem, si Sir Dennis. Namiss ko siya ng sobra sobra. Gusto ko na ngang sumigaw sa tuwa noong nakita ko siya eh. Sweet face as ever. Cute ng boses, at may dimples! Nyahei...

Di pa nakakauwi si papa ko galing Bicol. Cancelled daw ang flight nila kaninang umaga dahil sa lakas ng ulan at hangin. Pag di nakauwi papa ko, isusumpa ko talaga ang langit.

august 25

tinopak ako at sumama sa debut ni Jirah. Napabili pa ako ng payong ng di oras, nakadalawang McBurger ako, isang regular na cokefloat, dalawang cinnamon roll at 3 tuna whatever... ganyan ako katakaw. At nagtataka pa rin ang marami kung bakit ganito ako kapayat. Well, mabilis ang metabolism ko, at sa case noong araw na iyon, gusto ko lang talagang gumastos at magpakassaya.

Wagas ang kasiyahan ko dahil kay Karla ano. Sobra! Kasi ganito iyan... sinamahan ko siya sa CR, nagkataon na may lalakeng naghihintay sa pinto. Braile ba? Pasensya sa spelling ha? Basta Braile ang alam kong pangalan niya. Well, ang gagi, pinilit buksan iyong pinto ng CR, but obviously it was locked.

"Sinong nandito?" tanong niya, as usual...

"Si Charleston."

"Ang tagal, parang babae!"

"Hoy! Charles dalian mo daw!"

kinatok ni Karla yung pinto, medyo napalakas kaya napatawa din ako. Tumalikod na lang ako nang bumukas ang pinto sabay iniluwa no'n ang isang lalake. "Shit! Ang bango niya!" sabi ng gaga. Ako talaga ang nahiya para sa aming dalawa. Ang lakas ng pagkakasabi niya non, di siguradong narinig!

Halfway through the celebration nagrun iyong stockings niya, ang inalala pa niya paano daw pag nakita ni Charleston? Over! Hindi ko siya kinakaya, tapos dineclare na niya na crush niya iyong lalake and all! But I have to admit, si Charleston ang unang crush ko ngayong college. Promise!

May exam pa dapat kami kinabukasan, Part 1. At grabeh, ang liwanag doon! Sumakit talaga mata ko. As in luluha na, ngayon ko lang talaga narealize ang kahalagahan ng eyeglasses sa buhay ko. Magpapagawa na nga ako uli. 120 na siguro grado nito. Kaso hindi ko bagay mag-eyeglasses. At isa pa, mapapraning lang ako kakasuot no'n kasi wala naman yung sasabitan eh. eh, basta! nag enjoy ako, yun na yun.