June 29, 2011
I accompanied Karl to the Student’s affairs office during our 15 minute break in accounting. Sa 6th floor ang classroom namin at umakyat pa kami papuntang 8th floor. At dahil gutom ako, nagdesisyon kaming pumunta sa canteen sa 3rd floor habang may oras pa. rumarampa kami sa hallways ng 8th floor at nagdrop by pa sa cr ng girls sa 6th floor bago tuluyang dumeretso sa canteen. We were talking about my charade with Wijay along the way. Potek Lord, ayaw ko siyang makita, huwag muna, hindi pa ako handa. Kilala pala niya ako e.
Just then, sa may bungad pa lang ng canteen likod pa alng alam ko nng siya na iyon, napakapit ako kay Karl sa sobrang kaba. “Si Wijay!” sabi ko saka napaatras, ang gaga naman, tiningnan pa ng mabuti bago kami sinundan nina Ayel at Ivee pataas sa hagdan. We raced through the corrigdors para lang iwasan sila.
Shocks, nanlamig ang mga kamay ko doon ah! Bakit naman kasi out of all the places in the campus, doon pa sa pupuntahan ko siya pumunta. Hindi tuloy ako nakakain! Gutom na gutom na ako!
tapos naman sa CR, kailangan ko pang paunahin si Karl para lang maicheck kung nasa vicinity si Wijay! pero unexpectedly noong pngalawang beses na akong pumunta nang CR nandoon siya na para bang naghihintay talaga sa pagdaan ko. buti na lang may back up ako, kumwari hindi ko siya kilala na walang nangyari talaga.
"...mamamatay talaga ako," i was saying habang padaan kami sa harap niya.
"ang galing mo nga e!" sabi ni Ivy.
"bunganga mo, marinig pa niya tayo."
pagdating namin sa safe zone saka ako nagtawa... sus! kinabahan naman daw ako. at pagdating ng gabi, narealize ko lang... nag effort pa man din akong pagtaguan siya, parang di lang din naman yata niya ako kilala.